Ang Iyong Kalusugan
Ang mga bagong ina na hindi dating nasuri na may sakit sa thyroid ay maaaring magkaroon ng problema sa kanilang thyroid sa loob ng unang taon pagkatapos nilang manganak; ang tawag dito’y postpartum thyroiditis (PPT).1 Maraming sintomas ng kapwa underactive at overactive thyroid ang maaaring bantayan ng mga bagong ina.1

Tinatayang 25–45% ng kababaihan na nagkaroon ng hypothyroid phase ng PPT ang makararanas ng mga sintomas ng isang underactive thyroid.1 Kabilang dito ang pata, ang pagkawala ng konsentrasyon, kinakapos sa memorya, pagtitibi at posibleng depresyon.1
Sa pagitan ng 20% at 30% ng kababaihan na nagkaroon ng PPT ang dumaranas ng mga sintomas ng isang overactive thyroid.1 Kabilang dito ang pata, mga palpitation, bawas sa timbang, hindi makatiis sa init, nerbiyos, pagkabalisa at pagkainip.1
Ang hyperthyroidism sa PPT ay karaniwang nangyayari sa unang 6 na buwan pagkatapos isilang ang sanggol (pinakakaraniwan ang 3 buwan) at karaniwang nagtatagal ng 1 at 2 buwan.1 Ang hypothyroidism phase ng PPT ay karaniwang nangyayari sa pagitan ng 3 at 8 buwan (pinakakaraniwan sa 6 na buwan) and karaniwang nagtatagal ng 4 hanggang 6 na buwan.
Sa pangkalahatan ang PPT ay isang lumilipas at panandaliang kondisyon, at hindi kailangan ang paggamot sa lahat ng kaso.
Kahit pa nakatatakot ang isang pagsusuri ng mga problema sa thyroid, sa pangkalahatan ang PPT ay hindi isang pangmatagalan na kondisyon at makikita ng mayorya ng kababaihan na normal na ang estado ng kanilang thyroid gland sa katapusan ng unang taon pagkatapos nilang magsilang ng kanilang sanggol.1 Kung sakaling makaranas ka ng anumang sintomas na nabanggit sa taas, kumonsulta sa iyong doktor.